Mga pamantayan sa pagsasailalim ng mga lugar sa COVID-19 alert level 1 inilatag ng DOH Bicol

LEGAZPI CITY- INILATAG NG DOH BICOL Inilatag ng Department of Health (DOH) Bicol ang mga pamantayan at salik na tinitignan sa pagsasailalim ng mga lugar sa COVID-19 alert level 1.

Sa isang virtual media conference ng DOH Bicol, ipinahayag ni COVID-19 Program Coordinator Dr. Lulu Ramos–Santiago na tinitignan ang case transmission ng isang lugar kung mababa o bumaba na ang mga kaso kumpara sa mga nagdaang mga linggo.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Tinitignan din ang record ng total bed utilization kung saan kinakailangang mas mababa ito sa 50% kumpara sa mga nakaraang linggo.

Read More:  Live bullet and bullying note found inside Bacolod university

Dagdag pa nito, kinakailangang 70% ng populasyon ay bakunado na at mataas ang vaccination accomplishment kasama ang vulnerable citizens tulad ng senior citizens.