KORONADAL CITY — MATAGAL ng handa ang mga paaralan at mga guro sa lungsod sa isasagawang progressive face-to-face classes.
Ito ang inihayag ni Maria Elma Pama-Paches, Senior Education Program Specialist for Planning and Research & Designated Face to Face Focal Person, ng DepEd Koronadal City Division sa panayam ng 95.7 Brigada News FM Koronadal.
Nilinaw nito na kahit handa na ang mga paaralan, kailangan pa ring ipatupad ang mahigpit na health and safety protocols kontra sa Covid-19.
Ito’y dahil responsibilidad pa rin ng DepEd, ng paaralan at ng mga guro kung may mga estudyanteng mahawa sa Covid-19 sa loob ng paaralan.
Dagdag pa ng opisyal na hindi mandatory ang pagpasok ng mga estudyante dahil may iilan pa na mananatli sa modular learning.
