CAMARINES NORTE- Tiniyak ng Philippine Statistics Authority (PSA) na magtutuloy- tuloy ang Philippine Identification System (PhilSys) registration hangga’t mayroong irerehistro
Ito’y kahit lumagpas na nang mahigit isangdaang porsiento ang target sa step 2 registration mula Hunyo hanggang Disyembre.
Sa panayam ng Brigada News FM Daet kay Chief Statistical Specialist Maria Dulce Padayao, inihayag nito na malaking “achievement” ang nangyari dahil kahit nasa gitna ng pandemya at mayroong mga restriction na nakaapekto sa daloy ng registration ay hindi lang nagawa na maabot kundi nalagpasan pa ang target ng mas maaga kumpara sa nakatakdang schedule.
“Ang isa mga dahilan natin noon na parang mayron tayong gap sa flow ng registration imbes na dire d-iretso ay parang nag slow down siya dahil doon sa restriction ng edad, yung 17 year old and below ay hindi tayo pinayagan ng local IATF,” ani Padayao.
Batay sa datos ng PSA hanggang Disyembre 27, 2021 umabot na sa 388, 533 ang nakapagparehistro para sa National ID sa lalawigan ng Camarines Norte na mas mataas sa 332, 322 na target para sa June to December.
Ayon kay Padayao sa susunod na taon ay susubukan ng PSA na maabot ang bilang na 70 million registrants sa buong bansa.
“Actually po sa entire Philippines ang pinangarap pong ma- hit na target na 50 million ay lumampas pa.”
“Next year po ay susubukan po nating makarating sa 70 million ano, in two year time na makapag register.”
Isa umano sa mga nakatulong para malagpasan ng probinsiya ang target na bilang ng registrants ay ang pagsasagawa ng mobile registration, sa mga barangay at institutional registration bukod pa sa pagkakaroon ng registration center sa mga munisipyo.
“Ang ina- assure namin sa public is magko- continue ang registration, so hangga’t may ire-register nandiyan ang registration center for the PhilSys.”
