Mga ospital naka-red alert sa pagdagsa ng mga biktima ng paputok

Naghahanda na ang mga pagamutan sa posibleng pagdagsa ng mga biktima ng paputok ilang araw bago ang pagsalubong sa bagong taon.

Ayon kay PHAPI president Dr. Jose de Grano halos lahat ng mga ospital ay nakaantabay sa anumang pangyayari.

Read More:  Remulla, Paolo Duterte clash over Davao City as flood control ‘epicenter’

Subalit dahil sa mas mahigpit na pagpapatupad ng batas kontra sa iligal na paputok, umaasa si De Grano na konti ang magiging pasyente ngayong taon.

Nabatid na batay sa datus ng Department of Health nasa 23 firecracker-related injuries na ang kanilang naitatala kabilang ang mga nasabugan ng “boga,” 5 star, piccolo, triangle, whistle bomb, baby rocket, at iba pang paputok.

Read More:  Poa declines to confirm Ramil Madriaga as defense star witness

Karamihan sa mga pasyente ay nagtamo ng pinsala sa kamay, ulo, mata, dibdib, at paa.