Ikinasa ng Commission on Election (COMELEC) ngayong araw ang mock elections sa 34 na barangay sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.
Ginanap ang mock election mula alas-7 ng umaga hangang alas-dose ng tanghali sa mga piling presinto.

Gumamit din ang Comelec ng mga balota at vote counting machines (VCMs) na inihatid sa mga polling precincts.
Layon ng poll body na malaman kung ilang minuto ang itinatagal ng mga bontante sa pagboto at obserbahan kung epektiboba ang inilatag na sistema.
Inihayag naman ni Comelec Spokesman James Jimenez na hindi na nila inaasahan ang mataas na voters turnout dahil batay sa karanasan walang interes ang mga Pinoy kung hindi totoo ang eleksiyon.