LEGAZPI CITY – Isinailalim sa dalawang uri ng training at capacity building ang mga opisyal ng barangay sa bayan ng Daraga sa probinsya ng Albay.
Ito ay ang Capacity Building for Barangay Council for the Protection of Children (BCPC) at Barangay Protocol in Handling/Managing Cases of Children in Conflict with Law (CICL) and Children at Risk (CAR) kung saan ayon kay Violence Against Women and Children (VAWC) Desk Officer Monserat Bahilio ng Barangay Tagas layon nitong mas mapalawig ang kaalaman ng mga opisyales pagdating sa pagsasaayos at pagprotekta sa kaligtasan ng mga kabataan dagdag pa ang pagbibigay ng kamulatan sa mga uri ng kaso na kailangang ilapit sa mga otoridad at kung papaano ang tamang aksyon na dapat isagawa upang malutas.
Ilan sa mga natutukan konektado sa BCPC ay survival, development, protection, at participation at napagusapan din ang patungkol sa United Nations (UN) Convention on the Rights of Children (CRC) at Child Protection Laws of the Philippines.