Mga OFWs sa Russia na nagbabalak umuwi dumarami ayon sa OWWA

Kinumpirma ng Overseas Workers Welfare Administration na dumarami ang mga OFWs sa bansang Russia ang nagpapahiwatig na umuwi ng bansa.

Ayon kay OWWA administrator Hans Leo Cacdac ito ay dahil sa tumatamlay na ekonomiya doon bunsod nang mga ipinataw na sanctions ng iba’t-ibang mga bansa dahil sa pag-atake sa Ukraine.

Read More:  Palace open to corruption probe with sufficient evidence

Kasabay nito tiniyak ni Cacdac na patuloy na binabantayan ng kanilang tanggapan ang sitwasyon ng mga overseas Filipino workers sa Ukraine at sa Russia.

Read More:  House prosecutors say VP Sara Duterte’s high ratings won’t affect impeachment trial

Kagabi aabot nasa labintatlong seafarer mula sa MV Ithaca Prospect na galing sa war-torn Ukraineang ang dumating sa Clark International Airport sa Pampanga.

Dahil dito, umabot na sa 323 Filipino seafarer ang naiuwi na mula sa Ukraine mula noong sinalakay ng Russia ang bansa noong Pebrero 24.