PCG naka-heightened alert matapos itaas sa Alert Level 3 ang Taal Volcano

Inanunsiyo ng Philippine Coast Guard (PCG) na nasa heightened alert ito matapos na itaas sa Alert Level 3 ang Taal Volcano.

Ipinag-utos ni PCG Commandant Coast Guard Admiral Artemio Abu sa PCG Station sa Batangas na magpadala ng deployable response group para i-monitor ang sitwasyon sa paligid ng bulkan.

Read More:  VP Sara defense awaits senate ruling on subpoena request

Habang ang mga PCG Sub-Station sa Talisay at San Nicolas ay inatasan na magsagawa ng forced evacuation sa mga mangingisda at fish cage worker sa Taal Lake.

Dalawang PCG truck din ang naka-standby sa Batangas para tulungan ang mga apektadong residente sa paglikas.

Read More:  House prosecutor calls ‘kill criminals’ posts ‘cute,’ rejects iron fist

Nabatid na itinaas ng PHIVOLCS nitong Sabado na itinaas nito ang alert status ng Taal Volcano sa Alert Level 3 matapos magkaroon ng panandaliang phreatomagmatic burst ang main crater ng bulkan pasado alas-siyete ng umaga.