Iginiit ni Roy Mabasa na hindi ‘for sale’ ang kasong pagpatay sa kanyang kapatid na brodkaster na si Percival Mabasa o Percy Lapid.
Ipinost ni Roy sa kanyang Facebook ang mga katagang – “Ka Percy Lapid’s slay case is not for sale.”
Ito ay matapos ang mga tanong kung inofferan nga ba ang Mabasa family ng P150M para i-drop na ang kaso.
Sinabi pa ni Roy na ang offer ay “completely unfounded.”
Ni-minsan ay hindi rin umano sumagi sa isip ng mga ito na ibenta ang kaso ng kanyang kapatid.
Mababatid na ang murder case ni Percy Lapid ay pending sa Las Pinas City Regional Trial Court (RTC) kung saan tinuturo bilang isa sa mga akusado si former Bureau of Corrections (BuCor) director general Gerald Q. Bantag.