Hepe ng San Simon MPS sa Pampanga, 6 na iba pa, sugatan sa pagsabog ng nag-leak na butane

Sugatan ang hepe ng San Simon Municipal Police Station sa Pampanga at anim na iba pa sa pagsabog ng nag-leak na butane sa loob ng Police Station.

Ayon kay Pampanga Police Provincial Office Director Col. Jay Dimaandal, maliban sa sugatang COP, sugatan din ang asawa nito at kamag anak.

Read More:  Senators seek review of impeachment threshold for VP Sara Duterte

Sugatan din ang dalawang PNP Personnel at dalawang Non Uniformed Personnel.

Read More:  Quezon City RTC issues arrest warrant vs. VP Sara Duterte

Batay sa imbestigasyon, habang naghahanda ng samgyupsal para sa hapunan kahapon ng hapon gamit ang butane nang magkaroon ng pagsabog.

First degree burn ang tinamo ng pitong biktima.