Imbestigasyon ng DOJ sa ‘di umano’y ‘paihi’ – lumarga na

Sinimulan na ng Department of Justice (DOJ) ang umano’y ‘paihi’ scheme sa langis sa bansa.

Sinisilip ng DOJ-led Bataan Oil Spill Inter-Agency Investigation ang posibilidad na ang tatlong vessels – MT Terranova, MTKR Jason Bradley, MV Mirola 1 ay dawit sa naturang oil smuggling.

Sa Kapihan, sinabi ni DOJ Secretary Jesus Crispin Remulla na kailangan nilang pag-aralan ang usaping ito dahil nahihirapan ang bansa sa naturang oil smuggling at oil pilferage syndicates.

Read More:  New US Ambassador to PH meets with Ambassador Babes Romualdez

Matapos makipag-usap kay Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Romeo Lumagui Jr., sinabi ni Remulla na sa tingin niya ay maaaring umabot sa daan-daang bilyong piso ang nawawala sa bansa dahil sa paihi ng mga sindikato.

Read More:  Former Sen. Tolentino appointed as acting DOLE secretary

Ang insidenteng ito ay nagbukas umano sa isa pang ‘Pandora’s Box’ na nangyayari sa Pilipinas na tahimik na kinukunsinte.

Samantala, sa panayam naman ng Brigada News FM Manila kay Coast Guard Station-Bataan Lt. Commander Michael John Encina, sinabi nitong patuloy silang nakikipag-ugnayan sa DOJ hinggil sa mga impormasyon kaugnay ang paihi scheme.