Mga nasawi sa Thailand dahil sa heatstroke, umakyat na sa 30

Kasalukuyan ring nakakaranas ang Thailand matinding init ng panahon ngayon taon, na ikinasawi ng 30 indibdwal dahil sa heatstroke.

Dahil dito, nagbabala ang mga awtoridad sa Thailand kaugnay sa heat index na posibleng umabot sa mahigit 52 degrees Celsius.

Pumalo ang temperatura sa Bangkok kahapon sa 40.1 C, na inaasahan pang tumaas sa mga susunod na araw.

Bukod pa sa Pilipinas at Thailand, kasabay ring nakakaranas ng mainit na panahon ang ibang bansa sa Southeast Asia, kabilang na ang Indonesia, Singapore, at iba pa.

###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *