Balikatan: Multilateral Maritime Exercise sa WPS, nagsimula na

Nagsimula na ngayong araw ang Multilateral Maritime Exercise sa Palawan na bahagi ng Balikatan 2024.

Ayon kay Western Command Spokesperson Capt. Ariel Coloma, magkakahiwalay na umalis mula sa Puerto Princessa, Palawan ang BRP Ramon Alcaraz ,at BRP Davao Del Sur ng Philippine Navy, ang FS Vendemiaire ng French Navy, at USS Harpers Ferry ng US Navy.

Naglayag ang mga barko simula kaninang umaga mula sa silangang bahagi ng Palawan patungong hilagang direksyon sa Mindoro strait hanggang sa makarating sa West Philippine Sea.

Sinabi ni Coloma na magsasagawa ng iba’t ibang pagsasanay ang mga barko habang naglalayag, kabilang ang Division tactics, Officer of the Watch maneuvers, photo exercise at gunnery exercise.

Magtatagal ang MME hanggang April 2.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *