Mga nasawi sa matinding pagbaha sa Libya, posibleng umakyat sa 20k; otoridad, humihingi na ng tulong sa ibang bansa

POSIBLENG umakyat sa 18,000 hanggang 20,000 ang bilang ng taong nasawi sa matinding pagbaha sa Libya sa siyudad ng Derna matapos manalasa ang Bagyong Daniel.

Sa pahayag ni Prime Minister Rishi Sunak sa kanyang tweet, nakagugulat ang lawak ng pagkawasak ng mga ari-arian maging ang bahagdan ng mga biktimang nasawi dulot ng nasabing pagbaha.

Samantala, patuloy na nananawagan ang mga otoridad ng tulong mula sa ibang mga bansa dahil wala silang karanasan sa pagharap sa mga ganitong uri ng sakuna. ###Johnoah Mae Zepeda, Intern