Mga nasalanta ng bagyong Odette sa Roxas, Palawan target na mabigyan lahat ng ayuda

Sinisikap  ng lokal na pamahalaan ng Roxas, Palawan na mabigyan lahat ng tulong o ayuda  ngayong araw ang lahat ng nasalanta ng bagyong Odette.

Ayon kay Municipal Administrator Vic Lagera, simula kahapon nasa 90% pa lamang ang mga nakakatanggap ng tulong.

Read More:  Bishop raises family, social concerns over Boracay casino

Maliban sa walong indibidwal na inisyal na naitalang nasawi ay nagpapatuloy ang search and retrieval operation sa ilan pang napaulat na nawawala.

Read More:  Father swept away by floodwaters in Batangas while trying to save wife and son

Matatandaan , kabilang ang munisipyo ng Roxas ang lubhang napinsla nang manalasa ang bagyong si Odette nitong araw ng Biyernes.