SORSOGON CITY – Nagbigay ng abiso ang Phil Coast Guard-Sorsogon sa mga mangingisda lalo na ang mga gumagamit ng maliliit na bangka na huwag pumalaot dahil sa banta ng malalakas na alon sa karagatan lalo na sa eastern coast ng Sorsogon.
Sa Sea Travel Advisory ng Coast Guard base na rin sa ipinalabas na gale warning mula sa DOST PAGASA, umaga, Disyembre 27, nasa ‘’strong to gale force winds’’ pa rin ang asahan dahil sa Northeast Monsoon na nakakapekto sa silangang baybayin ng lalawigan.
Ang mga bangkang nasa 250 gross tons pababa ay pinapayuhan na huwan munang pumalaot habang ang malalaking sasakyang pandagat ay inaalerto laban sa malalaking alon. Ito ay upang nakaiwas sa disgrasya na maaaring humantong sa pagkawala ng buhay.
