Mga nasa waitlist na hindi nabigyan ng slot para sa August 2023 CSE-PPT prioridad sa susunod na examinations

CAMARINES NORTE- Inihayag ng Civil Service Commission na kasama sa prioridad sa sususnod na examinations ay ang mga nasa waitlist na hindi nakasama para sa August 2023 Career Service Examination-Pen and Paper Test (CSE-PPT).

Ayon kay Camarines Norte CSC Acting Director II Atty. Alicia Salinas continuous daw kasi ang kasalukuyang waitlisting kung saan ang mga nabigyang prioridad para sa August 2023 exams ay ang unang nabigyan ng slot na hindi umabot noong March schedule.

Read More:  Man killed in riding-in-tandem attack at Bacolod computer shop

Gayunman nilinaw ni Salinas na ang ginagamit ngayong N-List system ay para lang sa dito sa Bicol Region.

Mayroon umanong ginagawang system ngayon na susundin ng buong komisyon o ng lahat ng Regional Offices sa bung bansa para uniform na ang filing ng examination.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Pero kung hindi pa umano magagawa ang bagong sistema ay ang kasalukuyang N-List system pa rin ang susundin.

Nang matanong kung posible ba na magkaroon ng isa pang kahalintulad na examinations ngayong taon sinabi ni Salinas na dalawa lang daw talaga ang nak- schedule, March at August.