Mga nanalo sa measurable events ng Palarong Bicol na hindi naabot ang qualifying standards, hindi na makakasama sa Palarong Pambansa

LEGAZPI CITY – Naging mahigpit ngayon ang Central Office Committee ng Department of Education (DEPED) sa screening ng mga ipinapadalang manlalaro sa iba’t ibang rehiyon pagdating sa Measurable Events tulad ng Athletics, Swimming at Archery.

Ayon kay DEPED Bicol Regional Director Gilbert Sadsad, hindi na makakasama ang isang manlalaro sa Palarong Pambansa kahit siya ay nanalo sa Palarong Bicol kung hindi naabot ang qualifying standards.

Aniya, makakausad lamang ang isang manlalaro kapag naabot nito ang qualifying distance, time, at point set o ang qualifying score.

Sinabi pa ni Sadsad, wala na ring magagawa ang magulang o ang manlalaro dahil kasama ito sa guidelines na kailangan sundin nupang itaas ang kalidad at kakayahan ng mga manlalaro at mas maging malakas at matapang ito kapag inilalaban sa ibang bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *