BNFM BICOL – SUMAILALIM ang Department of Health o DOH Bicol sa isang Internal Quality Audit na nagsimula noong Hulyo 2 hanggang 4 na pinangunahan ng DOH Northern Mindanao Audit Team.
Isinagawa ang pag-audit upang beripikahin ang pagsunod ng ahensiya sa DOH Quality Management System at sa requirements ng ISO 9001:2015.
Binusisi nang mabuti ang planning, implementation, monitoring, at evaluation ng DOH BICOL sa isinagawang three-day audit kung saan pinuri ang digitization ng kanilang information systems implementation at ang kanilang integrated local health systems upang isulong ang kanilang mga programa. ### Pauline Manga, Intern