NAGA CITY – Nag resign ang ilang Junior at Senior High School Teachers sa Camarines Sur National High School sa Naga City dahilan para mabawasan ang bilang ng mga guro ngayong pasukan ,ang mga ito ay pumunta ng Amerika para doon na magturo at magtrabaho.
Ito ang dahilan kaya nag kulang ngayon ang mga teachers sa naturang pinakamalaking paaralan sa lungsod, batay na rin sa ibinahaging pahayag sa Brigada News FM Naga ni Principal Dr. Sulpicio Alferez III, hinggil sa status ng K to 12 program sa kanilang paaralan, magkagayuman napapanatili pa rin nila ang kalidad ng edukasyon sa kabila ng ganitong problema.
Ayon kay Alperez, nakapanghihinayang sana ang mga teachers nila ngunit wala silang magagawa para pigilan ang mga ito na mag hanap ng mas magandang oportunidad para sa kanilang buhay at pamilya.