Ethiopia kinumpirmang napasok na rin ng Delta variant

Kinumpirma ng Ethiopia na mayroon nang mga kaso ng Delta variant sa kanilang bansa.

Ang Ethiopia ang pinakahuling African nation na nagkumpirma ng mga kaso ng Delta variant ng COVID-19.

Read More:  PH Embassy in Pretoria advises Filipinos to avoid Ebola-affected areas

Sinabi ni Ethiopia’s Health Minister Liya Tadesse na umabot sa 8,300 na tao ang nahawa ng coronavirus kung saan 118 ang huling naitalang namatay.

Sa ngayon ay umaabot pa lamang sa 2.5 million na tao mula sa 114 million na populasyon ng Ethiopia ang nabakunahan.

Read More:  Thailand shortens visa-free stay for foreign tourists

Kaugnay nito, nanawagan ang Ethiopia ng mas maraming COVID-19 vaccine para mabakunahan ang kahit 20% ng kanilang populasyon.