CAMARINES NORTE- Umaabot na sa 95, 453 ang bilang ng mga nakakapag nagpa-rehistro para sa School Year 2021 – 2022 dito sa lalawigan ng Camarines Norte.
Ito ang inihayag sa Brigada News FM Daet nitong Lunes ni Schools Division Superintendent Nympa Guemo na batay naman sa kanilang quick LIS- count na isinusumite online.
Ang naturang bilang ng enrollees ay mula Kinder hanggang Senior High School mula sa pampubliko at pribadong eskwelahan.
Aminado naman si Guemo na medyo mabagal ang updating patungo sa Central Office ng Department of Education (DepEd) dahil sa problema sa signal.
Nagpapatuloy naman umano ngayon ang enrollment kaya maaari pa ring magpatala.
Una na ring inihayag ng DepEd na mananatili ang distance learning dahil sa matinding banta ng COVID- 19.
Magsisimula ang klase para sa School Year 2021- 2022 sa September 13.
Noong isang taon, nasa 175, 911 ang mga nakapag enroll sa lalawigan.
