3-anyos na bata pinatay ng Pinay sa South Korea

Arestado ang isang 30-anyos na Pinay sa South Korea matapos umanong patayin ang 3-taong gulang na batang inaalagaan nito.

Ayon sa report ang biktima ay anak ng isang miyembro ng United States Forces in Korea (USFK) kung saan inihabilin umano nito sa Pinay ang pagbabantay sa dalawa niyang anak.

Read More:  Bondoc slams NBI labeling of Sen. Bato as ‘armed and dangerous’

Lumalabas sa imbestigasyon ng South Korean police na minaltrato ng suspek ang bata hanggang sa mamatay sa loob ng kwarto sa isang Bar kung saan ito nagtratrabaho.

Ligtas naman ang nakakatandang kapatid ng biktima na nasa edad na 7-anyos.

Agad naman na naaresto ang suspek matapos itong makitang palaboy-laboy at walang saplot sa kalsada.

Read More:  Zubiri apologizes to Inday Badiday’s family

Nang tanungin ng mga otoridad sinabi ng Pinay na nagawa niya ang karumaldumal na kremin para tanggalin umano ang masamang espirito na sumapi sa katawan ng bata.

Tinitingnan naman ng kapulisan ang mental history ng pinay na suspek.