Mga nakakaranas ng mental health problem sa Naga City, patuloy na nadadagdagan

NAGA CITY – Nadadagdagan ang mga nagkakamental health problems sa Naga City.

Isa sa mga dahilan ay ang mga problema o hamon sa buhay.

Ito ang kinumpirma sa Brigada News FM Naga ni Registered Nurse at Mental Health Focal Person ng City Health Office, Magno Reyes.

Umabot na kasi sa 317 pasyenteng nakakater nila simula Enero hanggang Hulyo 2023, na kumukuha ng gamot sa kanila at kasalukuyang nasa medikasyon, lalo na ang iba ay naghahallucinations na, na pupwedeng bumaba pa sa pananakit, at ilan sa kanila ay dalawang beses na ring nasa proseso ng gamutan, kadalasan pa edad nasa 28 hanggang 45 taong gulang.

Ang pagdagdag at ang nabanggit na bilang ay hindi maituturing na nakakabahala o nakakaalarma, ayon pa kay Reyes, dahil sa pamamagitan aniya nito ay nagiging malawak na ang kaalaman ng tao at natutunang tumugon ng tama pagdating sa mental health issue, lalo na ang opisina ay handa rin silang tulungan para sa ganitong mga pagkakataon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *