NAGA CITY-Hindi na lamang mga naka motorsiklo ang pwedeng magtrabaho bilang food delivery man kundi pati mga naka bisikleta.
Ito ang kinumpirma ni Jun Monggoso, Head ng Metro Naga Public Employment Service Office bilang parte ng mga programang pangkabuhayan ngayong pandemya. Ang LGU ay mayroon nang memorandum of agreement at ang Food Panda.
Ayon kay Monggoso, sinasala na nila ang unang 15 na magiging delivery bikers. Ang bisikleta ay donasyon ng Philippine Eagles. Kapag maganda ang kalabasan, magdadagdagan muli ng 15 pa. Ibinahagi pa nito na maraming aplikanteng babae.
Ang magiging ruta nila ay 3 kilometer radius lamang, hindi pwede sa upper barangay, bukod sa mahirap din ito sa bikers matatagalan din sa paghintay ang costumers.