Mga nagwagi sa Ginoong Daet 2024, kinoronahan sa 31st Pinyasan Festival

DAET, CAMARINES NORTE — Hinirang na ang mga nagwagi sa Ginoong Daet 2024 na ginanap kahapon, Hunyo 17, 2024, sa Agro Sports Center bilang bahagi ng selebrasiyon ng 31st Pinyasan Festival.

Kinoronahan bilang Ginoong Daet 2024 si Angelo Quemada mula sa Brgy. Alawihao na siyang magsisilbing “ambassador of goodwill” ng munisipalidad.

Nasungkit naman ni John Paul Oaña ng Brgy. Camambugan ang Ginoong Pinyasan 2024, at si Alexander Gereña ng Brgy. Magang ay itinanghal na Ginoong Daet Turismo 2024. Pinangaralan naman ng 1st at 2nd Runners up sina Patrick Alfante mula sa Brgy. IV, at Gian Belarma ng Brgy. Camambugan.

Itinampok ng Ginoong Daet 2024 ang malaking kasiyahan at pagmamalaki sa buong komunidad ng Daet, na siyang nagpapatunay sa patuloy na paglago ng Pinyasan Festival bilang isa sa mga pinaka-aabangang selebrasyon sa rehiyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *