Surallah, magdiriwang ng 5th Surbetube festival

KORONADAL CITY – HANDA na ang bayan ng Surallah sa pagdiriwang ng ika-61 Foundation Anniversary at 5th Surbetube – The Ilognayan Festival na magsisimula na sa June 18 hanggang June 24. Ilan sa mga aabangan aktibidad dito ay ang Thematic International Dance Competition, Mindanao Wide Contemporary Dance Competition, Mountain Bike and Roadbike Night Race, 4×4 Offroad Challenge, live band performances, at marami pang iba. Bukas na rin ang carnival rides, bazaar, mga food stalls at ukay-ukay na dinadagsa tuwing gabi.

Tampok din sa kapistahan ang Kayak Competition at Balsa Competition na gaganapin sa June 24 sa NIA Dam. Samantala, magpapsiklaban naman sa paggawa ng pinakamasarap at kakaibang pagkain ang 10 mga restaurants sa Surallah para sa Sabor-A Culinary Festival. Pangunahing sangkap na gagamitin ng mga ito ang free range native chicken. Ayon kay Surallah Mayor Pedro Matinong Jr na nasa P 7.5 million ang inilaang pondo ng LGU sa Surbetube Festival.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *