Mga nagpositibo sa COVID- 19 sa bayan ng Mercedes nakarekober na

CAMARINES NORTE- Wala na ngayong aktibong kaso ng COVID- 19  sa bayan ng Mercedes, Camarines Norte.

Ito ay makaraang gumaling na sa sakit ang nag iisang aktibong kaso batay sa COVID- 19 bulletin ng Municipal Health Office (MHO) as of July 31, 2021.

Sa 58 kabuuang kaso ng COVID- 19 sa naturang bayan 51 na ang gumaling habang mayroong 7 naitalang pagkasawi.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Sa 26 na Barangay, naitala ang pinakamataas na kaso sa San Roque na may 17 habang pinakamababa naman sa Barangay 5, Cayucyucan, Quinapagian, Matoogtoog, Pambuhan at Colasi na pare- parehong nagtala ng tig- iisang kaso.

Siyam na Barangay naman ang nanatiling COVID- 19 free na kinabibilangang ng Barangay 4, Catandunganon, Mambungalon, Apuao, Caringo, Masalongsalong, Hamoraon, Lalawigan at Lanot.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Sa kabila nito mahigpit pa rin ang paalala ng mga kinauukulan na sundin ang Minimum Health Standards sa harap na rin ng banta ng Delta COVID- 19 variant.