Mga nagpabooster dose sa Naga City, nananatili sa 30%

NAGA CITY – Bihira na ang natatanggap na request for booster shots ng City Government mula sa mga barangay opisyal.

Ito ang inihayag ni Reynor Rodriguez ang head ng City Vaccination Monitoring Team hinggil sa nagpapatuloy na COVID-19 vaccination sa lungsod na ang venue ay sa SM City  Naga.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Sa pahayag sa Brigada News FM Naga ni Rodriguez, sinabi nito na sa talaan nila nasa 30% pa lamang ang nagpapa booster shots sa lungsod, mula ito sa mga priority vulnerable sectors tulad ng mga bata, senior citizens at persons with disabilities.

Aminado si Rodriguez na halos wala ng nagpapa booster shots sa naturang sector sa kabila ng available naman ang mga vaccines para sa mga ito.

Read More:  Man killed in riding-in-tandem attack at Bacolod computer shop

Kung may request anya sa barangay, ang ginagawa ng vax team ay kina-cluster na lamang ang magkakatabing barangay para marami ang mabakunahan.

Sa ngayon, halos nasa 100 lamang na individual ang nagpapabakuna, na masyadong mababa sa target ng city sa booster shots.