2 granada, natagpuan dahil sa baka sa Tuy, Batangas

Natagpuan ng isang magsasaka ang dalawang rifle grenades habang nagpapastol ng alagang baka sa damuhang lugar na malapit sa kanilang bahay sa Brgy. Tuyon-tuyon, Tuy, Batangas hapon, Pebrero 3, 2023.

Inireport ito sa Tuy Municipal Police Station ng nakakitang magsasaka na si Resty Dimailig, 47 anyos at residente ng naturang lugar.

Read More:  11-year-old child killed, 16-year-old injured after uncle’s knife attack in Negros Oriental

Batay sa imbestigasyon, nagpapakain ng kanyang baka si Resty at napansin nitong may nakatagong dalawang bakal sa damuhan kung saan malapit ang kanyang alaga.

Agad na rumeponde ang Provincial Explosives and Canine Unit (PECU) para sa proper disposition ng naturang mga granada.

Read More:  Soldiers trek 25 kilometers carrying school chairs for Indigenous students in Davao del Norte

Mabuti na lamang umano at hindi ito naapakan ng naturang magsasaka o ng kanyang alagang hayop.

Iniimbestigahan na kung paano napunta ang naturang mga granada sa lugar.

Nasa pag-iingat na ng PECU ang narekober na mga ekplosibo.