BIR-RDO 64 muling nagpaalala sa mga hindi pa nag- aavail ng estate tax amnesty na wala na itong extension pagkatapos ng Hunyo 14, 2023

CAMARINES NORTE- Muling nagpaalalaa ng Bureau of Internal Revenue na wala nang extension at hanggang Hunyo 14, 2023 na lang ang pag- avail ng estate tax amnesty na pinalawig na ng mahigit dalawang taon.

Sa panayam ng Brigada News FM Daet kay Revenue District Officer Felix Roy nanawagan ito sa mga taxpayer na may kamag anak, kapatid o kakilala na namatay noong Disyembre 31 pababa na mag- avail para makaiwas sa mas malaking bayarin dahil sa penalty.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Kung mag- aavail sa programa ay 6 percent lang ang bayaran at wala nang penalty.

Mababatid na 2019 pa dapat ito nagtapos pero dahil sa COVID- 19 pandemic ay pinalawig ito ng dalawa pang taon.

Sakop  ng amnesty ang estate of decedents na namatay bago ang December 31, 2017 na ang estate taxes ay hindi pa nababayaran o naipon hanggang sa nabanggit na petsa.

Read More:  Man killed in riding-in-tandem attack at Bacolod computer shop

Ayon kay Roy simple lang naman ang mga kinakailangang dokumento tulad ng titulo, tax declaration at extra judicial settlement na nagsasabo kung saapn papunta ang property ng namatay.

Bukod sa estate tax, nagpaalala rin ang opisyal sa mga taxpayer na huwag kalimutan ang deadline ng filing of returns.