NAGA CITY –Mga nagli-live in at mga kabataang babae na maagang nagsipag-asawa ang mga pangunahing biktima ng pananakit pisikal at emosyonal na pasok sa kaso ng Violence Againts Women and Their Children o VAWC sa Naga City.
Ngayong taon, tuloy ang pagtaas ng kaso nito sa lungsod na ang mga biktima ay karamihan ay nasa pangangalaga ng City Social Welfare and Development Office at ang iba ay inuwi sa kanilang mga magulang.
Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Eden San Andres, social worker at in charge sa VAWC sinabi nito na marami ang biktima ngayong taon, kung ihahambing noong 2022 at iyong mga abusadong mga lalaki ay sinampanahaan na ng kaso ang iba naman ay nagtatago.
Anya’y mahirap ang babaeng biktima ng pang-aabuso kaya tuloy-tuloy ang tulong na ibinibigay ng opisina nila, lalo na sa counselling na kailangan ng mga ito , dahil sa trauma nararamdaman nila.
Bukod pa ito sa mga batang biktima din ng pang-aabuso sekswal na inaalagaan nina San Andres, na ayon sa kanya ang pinakabata ay 10 taong gulang.