Mga nabiktima ng pekeng pera makakatanggap ng counterfeit money

NAGPAALALA ang Central Bank sa mga residente ng lungsod ng Cotabato na makakatanggap ng mga counterfeit money o pekeng pera na agad itong iturnover sa kanilang tanggapan.

Ito ay kasunod ng nangyari sa isang maliit na litson manok store sa lungsod nitong nakaraang linggo kung saan huli na ng mapansin nila na peke pala ang ibinayad na 2 thousand pesos.

Read More:  Motorcycle used for livelihood stolen in Puerto Princesa City; owner appeals for return

Sinabi ng Central Bank na ito ang kanilang nakikitang solusyon upang hindi na kumalat pang muli sa circulation ang nasabing mga pekeng pera.

Read More:  20 of 36 health facilities in Kabankalan face flood risk, data shows

Pinalalahanan naman nila ang publiko na mag-ingat sa mga pekeng pera na ito at agad ipagbigay alam sa mga otoridad kung mayroong indibidwal na magtatangkang gumamit ng mga ito.