BICOL—Pumalo na sa 57% ng target population sa Albay ang nabakunahan laban sa COVID-19.
Katumbas ito ng 562,535 na doses ng bakunang naiturok kabilang na ang 1st at 2nd dose.
Nanguna sa may pinakamaraming nabakunahan ang lungsod ng Legazpi na may 143,677, sunod ang lungsod ng Tabaco na may 67,669, lungsod ng Ligao na may 51,058, bayan ng Daraga na may 43,207 at Polangui na may 30,103.
Ang bayan ng Tiwi may 26,850 na nabakunahan; 26,268 sa Oas; 24,797 sa Libon; 24,113 sa Camalig; 21,837 sa Guinobatan; 20,155 sa Bacacay; 18,381 sa Pio Duran; 16,431 sa Malinao; 14,079 sa Sto. Domingo; 11,532 sa Malilipot; 10,539 sa Manito; 6,263 sa Rapu-Rapu at 5,576 sa Jovellar.
Sa kabuuhan, kailangang mabakunahan ang 987,297 na populasyon sa Albay upang makamit ang herd immunity.### |slm