BICOL—Malagim na pagkasawi ang sinapit ng isang motorcycle rider matapos itong ma-slide sa motorsiklo at masagasaan pa ng kasalubong na truck sa Brgy. Arimbay, Legazpi City kagabi.
Ang biktima nakilalang si Ronnie Bataller Basilla, isang architect, residente ng Cathlea Lineb, Bacacay, Albay.
Base sa imbestigasyon, galing sa sentro ng Legazpi ang biktima papunta sa Barangay Arimbay nang ma-slide ang minamaneho nitong motorsiklo dahilan upang masagasaan ng kasalubong na truck na minamaneho ni Carlo Banadera Servitillo, 29-anyos ng Purok 2, Brgy. Budiao, Daraga, Albay.
Halos nahati ang katawan ng biktima na hindi na umabot pa sa opsital.
Nakakostudiya ngayon ang mga sangkot na behikulo at ang driver ng truck sa Legazpi City Police Station para sa kaukulang disposisyon.# | slm