Mga Muslim sa Naga City, nangangailangan din ng tulong, lalo na sa pagkain at mga damit

NAGA CITY – Nananawagan ngayon si Mike Mustapha, head ng Community Affairs Office sa publiko na tulungan din silang mga Muslim na matindi  ring naapektuhan ng Bagyong Kristine, matapos na bahain din ang kanilang lugar sa Barangay Concepcion Pequeña, kailangan nila ngayon ng mga pagkain at mga damit.

Read More:  Army seizes seven high-powered firearms from NPA in Caraga

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Mustapha, sinabi nitong kawawa naman sila lalo na iyong mga bata , buntis at mga senior citizens dahil sa kulang sila ng pagkain ngayon, hindi makapag trabaho dahil nga sa binaha ang kanilang mga puwesto sa sentro.

Read More:  Grade 9 student found with suspected ₱204K shabu in Bacolod school

Anya’y may mga nakukuha na rin silang ayuda mula sa LGU-Naga, sa Department of Social Welfare and Development at maging sa ibang mga pribadong organisasyon, subalit hindi pa ito sapat.