Mga mangingisda sa bayan ng Sagñay, sa Partido Area, apektado rin dahil sa nagdaang bagyong Kristine

CAMARINES SUR — Dalawang linggo matapos ang pananalasa ng bagyong Kristine, ramdam pa rin ngayon ng ilang mangingisda sa bayan ng Sagñay, sa Partido Area sa Camarines Sur ang matinding epekto nito.

Ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources Bicol, ilan sa mga naapektuhan sa nasabing bayan ang  bangus fingerlings at grow out fish na lubhang nakaranas ng hagupit ng bagyo. Sa pinakahuling pinagsamang datos ng bayan ng Sagñay at Iriga City, umabot sa kabuoang 3.4 million ang naitalang danyos ng ahensya. 

Read More:  Ancestral domain application in Negros filed in 2005 wins NCIP approval
Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Samantala, ayon kay BFAR Bicol Spokesperson Weng Briones, hanggang sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang pagtipon ng datos sa mga municipalidad sa distrito kung kaya’t posibleng umakyat pa ang bilang na ito.