Lalaki, pinagbabaril-patay sa Candelaria, Quezon

Patay ang isang lalaki matapos itong pagbabarilin ng dalawang hindi pa nakikilalang mga suspek sa Barangay Malabanban Sur, Candelaria, Quezon nitong Sabado, Nobyembre 2.

Ayon sa police report, nakatayo noon sa harap ng sari-sari store ang biktima at bumibili ng softdrinks nang dumating ang mga suspek saka pinagbabaril ito sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.

Read More:  Maguindanao del Norte barangay captain survives shooting attack

Agad na binawian ng buhay ang biktima habang ang mga suspek naman ay tumakas sakay ng motorsiklo.

Read More:  Nearly a year after Tino, home remains out of reach for 115 La Castellana families

Narekober sa crime ang limang fired cartridge case at dalawang slug para sa Caliber .45.

Sa ngayon, patuloy ang isinasagawang imbestigasyon at operasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang mga suspek at ang motibo sa pamamaril.