Mga miyembro ng Kamara, pinuri ang extension ng SIM card registration

Pinuri ng ilang mga miyembro ng House of Representatives ang desisyon ng national government na palawigin ang registration para sa subscriber identity module (SIM) card.

Kaugnay nito, nanawagan din sila sa mga telecommunication providers at otoridad na maglatag ng mga hakbang na magpapataas sa inclusivity.

Read More:  NAPOLCOM backs Truth Commission, affirms commitment to accountability

Ayon kay Camarines Sur 2nd District Rep. Luis Raymund Villafuerte Jr. marami ang mga phone users ang madi-disenfranchise kung hindi napalawig ang deadline.

Read More:  Ombudsman files plunder case against Jinggoy Estrada

Sa gitna nito, hinimok naman ni Ang Probinsyano party-list Rep. Alfred de los Santos ang mga opisina ng pamahalaan at telco companies na samantalahin ang 90-day deadline para mahikayat ang mas marami pang indibidwal para magparehistro ng kanilang SIM cards. //MHEL PACIA-TRINIDAD