Mga miyembro ng Bantay Dagat isasailalim sa training sa pag alam sa mga protected species

CAMARINES NORTE- Plano ngayon ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na isailalim sa training ang mga miyembro ng Bantay Dagat sa bayan ng Mercedes sa pag alam sa mga protected species.

Ayon kay Noni Enolva, tagapagsalita ng BFAR Bicol importante ang mga ganitong training dahil critical ang landing area ng mga fisheries products sa bayan ng Mercedes at dito rin aniya ang pinakamaraming landings ng mga pating.

Importante umanong alam ng mga enforcers kung anong klase ng pating ang ipinagbabawal at ang mga kahalintulad o kamukha nito na hindi naman protected.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

Ani Enolva, isa ito sa kanilang bibigyang pansin sa Mercedes.

Kung maalala ay dati na ring nagkaroon ng seminar sa Camarines Norte noong 2018 na layong sagipin ang nanganganib na umanong bilang ng mga pating sa karagatan.

Inorganisa  ito noon ng Save Sharks Network Philippines na binubuo ng ilang mga Non- Government Organizations tulad ng Greenpeace, Marine Wildlife Watch of the Philippines at Save Philippine Seas sa pakikipagtulugan ng BFAR.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Dinaluhan ang naturang seminar ng mga Municipal Fisheries and Aquatic Resources Management Council (MFRMC), academe, ilang municipal officials ng iba’t- ibang bayan, bantay dagat at iba pang mga organisasyong may kinalaman sa pangangalaga ng marine resources.

Layon ng naturang seminar na magsulong ng national policy para maprotektahan ang lahat ng shark species sa bansa at baguhin ang pananaw ng mga tao ukol dito.

Sinabi noon ng BFAR na mayroong 21 species ng pating sa Pilipinas na ang karamihan umano ay nanganganib ng maubos.