Mga medical personnel ng LGU Naga inihahanda na rin para sa nalalapit na peñafrancia fiesta celebration 2023

NAGA CITY – Inihahanda na rin ng LGU-Naga ang mga medical personnel tulad ng doctor, nurses sa paparating na Peñafrancia Fiesta Celebration ngayong Septyembre na tiyak dadaluhan ng maraming mga deboto at mga turista.

Ngayong wala na ang resitrictions laban sa COVID-19, inaasahan ang mas maraming bisita para makisaya sa mga inihandang mga aktibididad ng simbahan at ng City Government.

Read More:  16-year-old alleged gunman linked to Cebu City slaying

Kabilang sa mga tiyak na darating ay ang mga senior citizens na una ng pinagbawalang dumalo sa mass gatherings sa kasagsagan ng pandemya.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay City Administrator Elmer Baldemoro, sinabi niyang may magbo-volunteer naman aniyang mga doctor at nurses na taun-taon namang nangyayari mula sa mga ospital tulad ng Bicol Medical Center, bukod pa sa mga Barangay Health Workers na lagi namang handa sa anumang sitwasyon.

Read More:  P136-M shabu hidden in Chinese tea bags seized in Cebu

Ang mga ito ay makikitang nakaposisyon habang may parada, may prosisyon at iba pang pagtitipon sa mga simbahan, at sa mga plaza.

Ang mga gamot ay wala namang problema, paniniyak pa ni Baldemoro.