Mga kakulangan na kagamitan, idinulog sa dir. ng EOD at canine group ng PNP, nang maging bisita sa ppo-camsur eod/canine unit

NAGA CITY – Naging bisita kahapon, Hulyo 13, 2023 ng Police Provincial Office ng Camarines Sur si PBGen. Albert Magno, Director ng Explosive and Ordnance Division at Canine Group ng PNP.

Ito’y upang tingnan ang pasilidad ng EOD at Canine Unit ng lalawigan na ginagamit sa mga operasyon.

Read More:  Davao Oriental jail unrest leads to warden’s removal

Napag-alaman kay PSSg Kim Gerald Corporal ng Police Community Relations Office ng PPO-Camarines Sur, idinulog sa opisyal ang mga kakulangan na kagamitan ng nasabing tanggapan na ayon dito, kaagad itong bibilhin at ipapadala sa EOD Camarines Sur sa lalong madaling panahon.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Samantala, nagkaroon din ng Talk to Men si PBGen. Magno lalong-lalo na sa mga opisyal ng PPO-Camarines Sur kaugnay ng mga Standard Operating Procedures na kinakailangang masunod bago ilunsad ang isang operasyon.