Mga may TB at may sintomas na nito malaki ang tyansang magkaroon at mahawaan ng HIV/AIDS -City Hygiene Clinic

NAGA CITY –Hindi lang ang kaso ng HIV/AIDS sa Naga City ang patuloy na tumataas ang bilang ng mga pasyente, kundi maging ang iba pang mga sakit na puwedeng maging komplikasyon nito, tulad na lamang ng tuberculosis.

Ang taong may TB o tuberculosis o may sintomas nito ay madaling mahawaan at magkaroon ng HIV/AIDS dahil sa humihina na ang respiratory system na kahit anong sakit ay puwedeng kumapit .

Read More:  Wounded NPA member rescued after Negros encounter

Karamihan sa may mga naitatalang may TB sa lungsod ay iyong mga adult na at may mangilan-ngilang kabataang mayroon na rin dahil sa life style nila, kasama na ang paninigarilyo, pag iinom ng alak at pagpupuyat.

Sa pakikipag-usap ng Brigada News FM Naga kay Grace Guevarra, ang head ng City Hygiene Clinic, sinabi nitong madali lang naman sanang malunasan ang sakit na kung maaagapan agad at mabigyan ng attention medical, subalit kung mapapabayaan ay lalala pa.

Read More:  NIR cities, towns recognized for open governance initiatives

Panawagan nina Guevarra, magpa HIV AIDS test, para matiyak na ligtas ito sa impeksyon.

Nag-iikot sila sa mga barangay sa lungsod, para patuloy na isagawa ang regular na HIV AIDS testing, kabilang na rin sa dapat pang mag pa test ay ang mga inang buntis.