Mga mangingisda sa Zambales na apektado ng No Sail Zone dahil sa Balikatan tumanggap ng ayuda

Nagpahatid ng tulong ang Pamahalaang Panlalawigan ng Zambales at Department of Social Welfare and Development Region 3 sa mga mangingisda.

Ito ay para sa mga mangingisdang apektado ng No Sail Zone habang mayroong Balikatan joint military exercise.

Sakop ng no-sail zone ang mga baybayin ng bayan ng San Antonio, San Narciso, San Felipe, Cabangan at Botolan sa lalawigan.

Ang ayuda ay para mayroong magamit ang mga mangingisda habang hindi makapaglaot.//Jen Bayot

PHOTO: Zambales for the People

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *