Arm cache nadiskubre sa Apayao

ARM CACHE NADISKUBRE SA APAYAO Nadiskubre ng puwersa ng 103rd Infantry Battalion ang isang imbakan ng armas sa Brgy Maragat Kabugao Apayao kamakailan. Kabilang sa mga uri ng armas na narekober sa lugar ay isang (1) M60 Machine Gun (Crew serve weapon);isang (1) M79 Grenade Launcher;isang (1) M16 Rifle; isang (1) 12 Gauge Shotgun;apat (4) na rounds ammunition ng M203 grenade launcher; Thirty (30) rounds ammunition ng Cal 5.56 para sa M16A1 rifle; anim (6)na rounds ammunitions ng 12 Gauge Shotgun;apat (4) na magazine assembly para sa M16A1 rifle at isang bandila ng komunistang grupo. Pinuri ng pamunuan ng 103IB ang mga kasundaluhan na nasa likod ng matagumpay na operasyon sa tulong na rin ng mga concerned citizen mula Sitio Dangga, Balbalan Proper, Balbalan, Kalinga na nagbigay ng impormasyon na nagresulta sa pagkakatuklas ng nasabing arm cache. Naniniwala ang tropa ng militar na ang mga narekober na armas ay pag mamay-ari ng mga komunistang grupo na nauugnay sa WKLG “BAGGAS”, RYS, at RSDG, ICRC./// analiza

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *