Dalawang wanted sa batas, aretado sa Cagayan

DALAWANG WANTED SA BATAS, ARESTADO SA CAGAYAN Timbog ang dalawang katao sa magkahiwalay na implementasyon ng warrant og arrest sa lalawigan ng Cagayan kahapon. Unang nadakip ng mga kapulisan ng Sta.Ana Police Station sa pamumuno ni Pmaj Ranolfo S.Gabatin ,Officer in Charge ang isang bente anyos na kinilalang si alyas Jhun, mangingisda at residente ng Calayan Cagayan dahil sa kasong Reckless Imprudence Resulting in Serious Physical Injuries. Samantala, naaresto naman ng mga kasapi ng Gattaran Police Station ang isang trentay sais na magsasaka na itinago sa alyas na Ben dahil sa kasong pagnanakaw. Kaugnay nito, tuloy tuloy ang pagtugis ng mga alagad ng batas sa mga indibidwal na may kinakaharap na kaso upang mabigyan ng hustisya ang mga biktima ng mga ito. /// analiza

Read More:  5-year-old boy dies after falling into pit in Davao City