Mga mangingisda sa Sto. Domingo, Albay, nakatanggap na ng fuel subsidy sa unang tranche – Municipal Agriculture Office LGU Sto. Domingo 

LEGAZPI CITY – Umabot na sa 43 na mangingisda sa bayan ng Sto. Domingo, Albay ang nakatanggap na ng fuel subsidy sa unang tranche mula sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Bicol.

Ito ang Inihayag ni Cherrie Murillo Montalban, program coordinator ng Municipal Agriculture Office ng lokal na pamahalaan ng Sto. Domingo sa Brigada News FM Legazpi.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Ayon kay Montalban, lahat ng mga mangingisdang gumagamit ng motorized na bangka ay mabibigyan ng fuel subsidy.

Ang mga benepisyaryo ay makakatanggap ng tig-iisang card na may lamang P3,000 kung saan maaari itong ipalit sa accredited na gasolinahan sa lalawigan ng Albay.

Read More:  Two die after minivan crashes into house in Cebu

Prayoridad ng programa na mabigyan ng benepisyo ang mga naapektohan sa pagtaas ng presyo ng gasolina sa bansa.

Nilinaw ng opisyal na tanging mabibigyan ng fuel subsidy na mangingisda na mayroong motor bangka na below 3gross tonage, rehistrado sa RSBSA at iba pa.