Mga mangingisda sa Pasacao, Camarines Sur maagang nakapag secure ng kanilang mga bangka

CAMARINES SUR- Ramdam ang hanging Habagat sa Pasacao, Camarines Sur kahapon, mabuti na lamang at maagang nakapag secure ng kanilang mga bangka ang mga mangingisda.

Ito ang sinabi sa Brigada News FM Naga ni CPO Emerson Libreja ng Philippine Coast Guard Pasacao. Aniya dinala sa medyo itaas na parte ng dalampasigan ang mga bangka upang ligtas sa malalakas na hampas ng alon. Nakinig din ang mga mangingisda nito pang nagdaang araw na huwag na munang pumalaot. Pero may ibang fishing vessels na sa may Masbate na inabutan ng pagsungit ng panahon sa dagat kaya doon na muna sa Burias nag take shelter.

Read More:  Grade 3 student dies after alleged punch by classmate in Davao City
Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Nakabantay pa rin ang PCG sa mga susubok na maligo sa dagat, bawal na muna ayon pa kay Libreja hanggang hindi pa nakakalabas ng PAR at may epekto pa ang Bagyong Betty.