BARMM COC filing – umarangkada na

Matapos ang paggunita ng Undas, hindi ibinaba ng Police Regional Office Bangsamoro ang kanilang alerto dahil sa pagsisimula ng COC filing para sa kauna-unahang BARMM parliamentary election sa May 2025.

Nagsimula ang COC filing ngayong araw at magtatagal hanggang sa November 9

Read More:  DSWD, PNP build case vs fake Pampanga collapse survivor

Ayon kay PRO-BAR Regional Director PBGEN ROMEO MACAPAZ, magpapatuloy ang mas pinahigpit na seguridad sa buong rehiyon, partikular sa COMELEC Provincial Offices at Bangsamoro Government Center.

Kabilang dito ang pagtatatag ng checkpoints, convoy security, at pinalakas na police visibility.

Read More:  Madriaga included in VP Sara impeachment witness list

Mayroon din mga pulis na itinalaga para sa crowd control measures, traffic management, at help desks para sa publiko.

Tiniyak ng PRO-BAR na mananatili silang non-partisan sa darating na eleksyon.