Labor policies na nakahanay sa social justice, tinalakay sa İnternational Labour Conference sa Switzerland

Muling pinagtibay ng bansa ang commitment nito na poprotektahan at itataguyod ang karapatan ng mga manggagawa.

Kasabay ng pagdalo ng ilang kongresista sa 112th Session ng International Labour Conference sa Geneva, Switzerland, sinabi ni House Committee on Overseas Workers Affairs Chairperson Jude Acidre na batid nila ang pangangailangan ng balanse sa gobyerno, employer at mga manggagawa.

Ngunit kailangan aniyang laging pumanig sa social justice ang labor policies ng bansa.

Kasama ni Acidre sa International Labour Conference sina TUCP Party-list Representative Raymond Mendoza, Gabriela Representative Arlene Brosas, Cagayan De Oro Representative Rufus Rodriguez at mga kinatawan ng labor unions at employers.

Dito ay nagtitipun-tipon ang world leaders, korporasyon, pamahalaan at labor unions upang talakayin at buuin ang global labor standards at policies gayundin ang assessment sa pagsusulong ng maayos na working conditions at social justice.

Kasama sa conference agenda ang proteksyon laban sa biological hazards, strategic objectives ng fundamental principles at karapatan sa empleo, disenteng paggawa at care economy.

Paliwanag ni Acidre, bilang policymakers ay nananatili ang kanilang commitment na humanap ng makabagong paraan upang tukuyin ang nakabubuhay na sahod at siguruhing bawat manggagawa ay maayos na napapasweldo nang may dignidad at seguridad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *